6 na Motorista, Nasampolan ng Bagong Speed Limit

ANIM NA motorista ang agad nasampolan sa unang araw ng pagpapatupad ng 60-kilometer per hour (kph) na speed limit sa Sandiganbayan hanggang Doña Carmen sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kabilang dito ang driver ng isang government vehicle at ng isang bus.

Una nang ipinaliwanag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinahaba ang sakop ng 60-kph speed limit dahil sa pagtaas ng bilang ng naitatalang aksidente sa Commonwealth.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, dalawa lamang ang gamit nilang speed gun sa Sandiganbayan hanggang Doña Carmen dahil umaabot sa halos P500,000 ang presyo nito bawat isa.

Samantala, P1,200 aniya ang multa sa mga mahuhu-ling lalabag sa 60-kph speed limit sa Commonwealth Ave.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.