6 na Lalaki, Arestado sa Kable

 

ARESTADO ANG 6 na lalaki matapos mahuli na namumutol ng kable sa kahabaan ng C-5.

Nagpakilala umanong empleyado ng Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) ang mga lalaki nang sitahin ito ng pulis ng Quezon City Police Station 12, ayon na rin kay PO3 Rodel de Jose.

‘Di naniwala ang mga pulis at agad humarurot ang mga lalaki sakay ng isang maliit na dump truck.

Isa-isang tinapon ng mga lalaki ang kable habang tinutugis ng pulis. Sa tapat ng Heritage Park, Taguig naabutan ng mga pulis ang mga lalaki matapost paputukan ang gulong ng dump truck.

Sinugod sa ospital ang tatlo sa kanila, habang diretso sa piitan ang tatlong iba pa.

Nakuha sa dump truck ang mga lagari, martilyo, lubid at iba pang gamit ng mga lalaki sa pamumutol ng kable. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.