6 na kawani ng Mandaue City Treasurer’s Office, tiklo sa VIP room

CEBU CITY – PINASUSUSPINDE ang anim na kawani ng Mandaue City Treasurer’s Office matapos matiklo sa loob ng isang VIP room ng isang bar na nag-iinuman.

Trabaho sana ng mga nabanggit na kawani na mag-inspeksyon sa mga establisimyento para malaman kung nagbabayad ito ng tamang buwis, ayon kay Regal Oliva, city treasurer ng nasabing siyudad.

Ngunit dahil sa kanyang hinala na sangkot ang mga ito sa mga maanomalyang transaksyon, pinasundan umano niya ang mga ito sa ibang inspection team.

Nadatnan at nahuli sa akto ang anim sa loob ng VIP room ng bar na nag-iinuman pala at may kasama pa umanong mga babae.

Nalaman din ni Oliva na P14,000 lamang ang ibinabayad na buwis ng nasabing bar imbes na P2 milyon.

Dahil dito, inirekomenda na ng nasabing opisyal kay Mandaue City Mayor Jonas Cortes na isailalim sa masu-sing pagsisiyasat ang anim na empleyado at pinatatanggal na rin sa kanilang puwesto.

Hindi muna pinangalanan ni Oliva ang anim na kawani dahil aantayin pa raw na makapagsumite ng kanilang sagot sa nasabing paratang. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.