6 na Kahon ng Marijuana, Nasamsam sa Bus Terminal

NASAMSAM NG Quezon City Police Traffic Sector 4 ang anim na kahon na puno ng pinatuyong dahon ng Marijuana na isinakay sa isang pampasaherong bus na biyaheng Tabuk, Kalinga – Kamias, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Traffic Sector 4 Chief Manuel Laders na nakatanggap siya ng tawag mula sa dispatcher ng Victory Liner na si Henry Marpa para ibagbigay-alam ang kanilang nadiskubre.

Nabatid na isinakay mula sa terminal bus sa Tabuk City ang anim na kahon na kukunin umano sa Kamias Terminal.

Ang mga karton ay nakapangalan kina Maria Dolores Pacay at Renato Peralta.

Nang ibababa na sa bus ang mga bagahe pagda-ting sa terminal sa EDSA Kamias, napansin na may mga nakalabas na tuyong dahon sa isa sa mga karton na napunit, at umalingasaw ang tuyong amoy ng damo.

Nang bulatlatin ang karton, tumambad ang mga Marijuana bricks na sa inisyal na bilang ng kinauukulan ay hindi bababa sa 150 piraso, kung saan bawat isang brick ay tinatayang nagkakahalaga sa P2,000.

Samantala, itinurn over na ito ng Traffic Sector 4 sa Quezon City Police District (QCPD) Station 10 Anti-Illegal Drugs Section para sa pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.