6 na Holdaper, Tiklo

KULONG ANG anim na sinasabing nangholdap sa kelot habang naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Christopher Bustria, 19; Bernardo Alao, 20; Stephen Alvarado, 18; Junmar Bande, 18; Nino Angelo, 23; at Brian Saberon, 20, pawang ng Excess Lot, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi, naglalakad ang biktimang si Rafael Vallejos sa kanilang lugar sa Phase 7-B, Bagong Silang nang harangin ng mga suspek at holdapin.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ng biktima bago tumakas habang humingi naman ng tulong si Vallejos sa mga pulis at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang isang sumpak at mga patalim subalit hindi na nabawi ang cellphone ng biktima. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.