6 na Bata, Na-Food Poison sa School Canteen

ANIM NA bata ang sumakit ang tiyan matapos kumain ng waffle na binili umano ng kanilang tiyahin sa isang school canteen sa Brgy. Tambler, General Santos City.

Nakilala ang mga biktima na sina Althea Jane Ligutan, 5; Alexle Ligutan, 3; Aljessa Ligutan, 2; Allen Berones, 5; Alessandria Berones, 6; at si Rashida Mudis, 7.

Ayon sa ina ng mga bata na si Aiza Ligutan, kumain aniya ang kanyang mga anak ng waffle nang biglang sumakit ang tiyan at sumuka na agaran ding dinala sa ospital.

Binili umano ng tiyahin sa Upper Tambler Elementary School ang waffle na kinain ng mga ito. Ligtas naman ang mga bata pagkatapos madala sa ospital.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.