6 Laglag sa PDEA

UMABOT SA anim na katao na hinihinalang mga tulak ng droga ang dinampot ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at ni Navotas John Rey Tiangco sa nasabing lungsod kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Buboy Tibayan; Chris Parañaque, 43; Josefino Ronquillo, 39; Jericho Dela Cruz, 31; Elvira Panganiban; at Roberto Baluyot, habang nakatakas ang isa na nakilala lang sa alyas Boyet, pawang mga residente ng B. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Sa ulat, alas-2 ng umaga nang simulang suyurin ng PDEA kasama si Tiangco ang nasabing lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang 99 sachet na naglalaman ng mga Shabu at mga drug parapernalya.

Nabatid na noong nakaraang buwan ay walong katao rin na sinasabing nagbebenta ng ipinagbabawal na droga ang nasakote ng mga tauhan ng PDEA at mga pulis sa nasabing rin barangay sa isinagawang pagsalakay ng mga ito.

Nagpapasalamat naman si Mayor Tiangco sa mga residente at PDEA na nakikipagtulungan upang masugpo ang laganap na pagbebenta ng iligal na droga sa kanyang nasasakupan.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.