6 Kulong sa Jueteng sa Malolos

HULI SA akto ng pinagsanib na puwersa ng Malolos City PNP at Provincial Public Safety Company ang anim na katao habang nagrerebisa ng kubransa sa isang kubo sa Brgy. Mojon, Malolos City.

Sa ulat na ipinadala nina P/Supt. Dave Poklay at P/Supt. Ross Alvarado sa Camp Gen. Alejo Santos, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Irenea Jumaquio, 69; Roger Lucas, 20; Edgardo dela Paz, 35; Dominga dela Paz, 61; Corazon Magpayo, 65; at Maia Melody Castillo, 21, mga residente sa iba’t ibang barangay sa syudad.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-10:00 ng umaga nang salakayin ang lugar habang nagrerebisa ng bookies o Jueteng makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 3 STL IDs, 3 cellphone, pera na nagkakahalaga ng P1,204, mga papelitos at cotejos na gamit sa iligal na sugal na Jueteng sa nabanggit na lungsod.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Malolos City Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.