6 Kritikal; Buntis, Napaanak sa Kinaing Nami

LABIS NA kalungkutan ng dalawang mag-asawa kung saan halos ubusin ang kanilang pamilya matapos malason ng kinaing Nami sa Barangay Sto. Niño, Virac, Catanduanes.

Una rito, dahil sa kakulangan nang makakain, naisipan ng amang si Jeffrey dela Rosa, 28, na magluto ng ginataan na hinaluan ng naturang halamang-ugat.

Matapos mailuto, pinagsaluhan ito ng kanyang dalawang anak, buntis na asawa at dalawa pang kamag-anak na kasama sa bahay.

Subalit, lumipas lamang ang ilang oras nang makaranas na ang mga ito ng pagkahilo, pagsusaka, pagdurumi at mataas na lagnat.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga biktimang sina Gigi dela Rosa, asawa ni Jeffrey, ang dalawa nitong mga anak at ang mag-asawang Ryan at Mary Jane dela Rosa.

Dahil sa matinding epekto ng lason sa buntis na si Gigi, napaaga ang panganganak nito kung saan wala nang buhay nang lumabas ang bata sa kanyang sinapupunan.

Sinabi ni Catanduanes Provincial Health Officer Dr. Lovilla Sanchez na posibleng na-trigger ang delivery ng biktima dahil sa nakain nito.

Bago ito mahigit na rin 30 mga estudyante at guro ang nalason ng nabanggit na root crop sa isang eskwelahan sa parehong probinsya.

Nananatili pa rin sa pagamutan ang buong pamilya ni Jeffrey kasama na ang dalawang anak at maging ang kanyang kapatid at hipag.

Samantala, ang Nami (Dioscorea hispida Dennst) o Namo (sa Bikol) oKayos ar Kayut or Nami (sa Tagalog) o Mexican wild yum (sa Ingles) ay isang uri ng root crop kung saan kadalasan na ipinapangpalit sa kanin lalo na ng nasa bulubunduking bahagi.

Kung makakain ito ng sobra o mali ang pagkakaluto, maaari itong magresulta sa pagkalason dahil sa taglay nitong toxic substances tulad ng dioscorine na posibleng magresulta sa palpitations, nausea, vomiting, throat irrita¬tion, sweating, blurred vision at unconsciousness.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.