6 Kinasuhan ng P30-M Ukay-Ukay Smuggling

KINASUHAN NG Bureau of Customs (BoC) sa Department of Justice (DoJ) ang may-ari at broker ng mga nakumpiskang ukay-ukay.

Kabilang sa mga inireklamo ang may-ari ng Heritage Asia International na si Ildefonso Malagonio, may-ari ng Global Welltrade Trading na si Marilyn Anunciacion, kinatawan ng kanyang kumpanya na si Carlos Torres at ang may-ari ng Javerson Trading na si Eugenio Gardiola, gayundin ang mga broker na sina Nanneth Pacia, Janneth Pacia at Eugenio dela Merced.

Kasong paglabag sa Anti-Smuggling Law ang isinampa sa mga ito matapos masabat ng ahensiya ang nasa P30 milyong halaga ng ukay-ukay.

Nabatid na idineklara ng nasabing kumpanya ang kanilang kontrabando bilang office materials upang makaiwas sa wastong pagbabayad ng buwis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.