6 Kelot, Huli sa Pot Session

 

ARESTADO ANG anim na katao matapos maaktuhang nagpa-pot session sa Dagupan City sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakilala ang mga salarin na sina Neptali Selisina at Romulo Tanupo na kapwa residente ng Sitio Korea, Bonuan, Binloc; Sylvester Selisina ng Sitio Aling Pantal; Mario De Guzman ng bantugan Pozzorubio; Amadio Viernes ng Brgy. Talogtog, Pozzorubio; at Frederick Velasco ng Brgy Poblacion, Manoag.

Sinabi P/Supt Romeo Caramat ang hepe ng Dagupan City PNP na nagsagawa sila ng anti-illegal drug operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Naaktuhan ang mga

ito na nagpa-pot session sa bahay ni Nepthalie Selisina. Nakuha sa mga ito ang 12 sachet na pinaghihinalaang Shabu.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga kinauukulan ang mga suspek at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.