6 Katao, Tiklo sa Buy-Bust; Menor, Dawit

NATIMBOG ANG anim na katao kabilang ang isang menor de edad matapos maaresto sa akto ng mga kinauukulan sa pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang drug buy bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City.

Kinilala ang mga sa-larin na sina Alan Clark Samonte, 34; Limuel Mellomida, 29; John Erick Mirasol, 21; Jessica Melu, 20, na mga residente ng Purok Agawin, Barangay Ibabang Dupay; Laline Hufancia, 20, ng DM Compound, Caloocan, at ang 17-anyos na hindi na pinangalanan pa.

Base sa pagsisiyasat, napag-alaman na naaktuhan ang mga ito na nagbebenta ng droga.

Narekober sa mga ito ang ilang shabu at drug paraphernalia.

Ang limang mga sa-larin maging ang mga nakumpiskang iligal na droga ay dinala sa Quezon Police Crime Laboratory para sa karampatang laboratory at urine examination bago tuluyang ikulong sa Lucena PNP.

Sa ngayon, ang binatilyo ay nasa kustodiya na ng DSWD Lucena City.

Samantala, iniha-handa na rin ang kasong kahaharapin ng mga nasabing suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.