6 Katao Arestado sa Pagnanakaw ng mga Gamit ng Patay

KALABOSO ANG anim na katao makaraang tangkaing kuhanin ang kagamitan ng kanilang kamag-anak na pinaslang ng live-in partner sa bayan ng Pardo, Cebu.

Kinilala ang mga ito na sina Mirasol, 24; Harylyn Candoli, 22; Bernie, 23, Romualdo Gabati, 18; Leonardo Navarro, 68; at Fausto Oberez, 63 anyos.

Ang may-ari ng kagamitan ay si Mary Luz Candoli, 19-anyos na pinatay ng kanyang lover kamakailan.

Paliwanag ng pamilya Candoli sa Pardo Police Station, pag-aari ng kanilang kapatid na si Mary Luz, ang mga appliances at dapat na kuhanin nila ang mga ito mula sa bahay sa Barangay Cogon-Pardo, Cebu City.

Paliwanag pa ng magkakapatid na Candoli, may karapatan na sila sa mga kagamitan dahil patay na ang kanilang kapatid.

Si Mary Luz ay isang college student na ibinahay ni Julito Ponce subalit nagkaroon sila ng pag-aaway na nauwi sa patayan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.