6 katao, arestado sa demolisyon sa Pasig

ARESTADO ANG anim na katao matapos na maaktuhang nambabato sa demolition team na nagsasagawa ng pagbaklas sa kanilang mga bahay kahapon ng umaga sa Pasig City.

Sa kabila nito, wala na ring nagawa ang may 40 pamilya na naninirahan sa lupang pag-aari ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na nasa Rosario Bridge, Ortigas Avenue, Brgy. Rosario.

Kinilala ang mga naaresto na sina Muel Bugate, Hernani Piad, mag-asawang Jobert at Jocelyn Borre, Maria Sinid at Andrew Jomelia, pawang residente ng nasabing lugar.

Nabatid na nahirapan sa simula ang demolition team dahil sa pag-ulan ng mga bote, bato, bote ng asido at molotov bomb mula sa mga informal settlers.

Ayon kay Rolando Anselmo, pinuno ng  Action Line demolition team ng Pasig City Hall, nagsimulang magka-tensiyon matapos magmatigas ang mga ninirahan sa may 400×10 sq.meters na pag-aari ng lokal na pamahalaan matapos simulang gibain ang may 15 kabahayan sa naturang lugar.

Ang nasabing lugar ay halos maraming taon nang pinakikinabangan ng mga residente at kailangan na ng pamahalaan para sa pagsasaayos ng sidewalk na higit na pakikinabangan ng mamamayan.

Sinabi pa ni Anselmo, na bago ang itinakdang pag-demolis kahapon, binigyan na rin ng mas mahabang  panahon ang mga naninirahan doon na lisanin na ang lugar mula pa umano noong nakaraang taon, bukod pa sa financial support na tinanggap ng mga ito. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.