6 Karnaper, Arestado sa Nakaw na Motorsiklo

KULONG ANG anim na miyembro ng notoryus na carnapping gang matapos na maaresto ng pulisya habang nagbebenta ng nakaw na motorsiklo sa La Trinidad, Benguet noong Martes ng gabi.

Kinilala ni PNP-Highway Patrol Group Director Leonardo Espina ang mga suspek na sina Augusto Tabara, 32; John Gregory Paltikan, 31; Ranil Gundangan, 19; Edmond Acko, 21; AJ Leomhell Ngateg, 19; at si John Pasion.

Base sa report ng HPG-Cordillera, nakipag-deal sa poseur buyer ang mga suspek para sa bentahan ng mga motorsiklo (UQ 3684) at scooter (IB 1187).

Sa beripikasyon ng pulisya, lumilitaw na ang mga motorsiklo ay ninakaw ng grupo noong Enero 12 at 28, 2012 mula sa may-ari na si Alfred Pudsoc ng Pinsao Proper, Baguio City.

Maliban sa pagnanakaw ng motorsiklo, nabatid na ang anim ay sangkot din sa pagnanakaw ng mga iba pang mamahaling sasakyan.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.