6 Kabataan, nabagsakan ng puno

DAVAO CITY – SAMA-SAMANG nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang anim na kabataan matapos na matumbahan ng dambuhalang puno ng Gemelina ang kanilang sasakyan habang patungo sa Davao City kamakalawa ng hapon.

Sa report na natanggap ng Camp Crame, nasa edad 14 hanggang 16 ang mga batang lalaki na nagmula pa sa Bangkerohan, Davao City na dapat sana’y mamimili lamang ng kalamansi nang maganap ang aksidente sa highway, dakong alas-tres ng hapon.

Ilan lang sa anim na sugatan ang nagtamo ng mga gasgas sa iba’t ibang parte ng katawan matapos mabuwal ang puno sa kanilang sasakyan habang nasa biyahe.

Habang malubha namang nasugatan ang isang nag-ngangalang Dodong, 15-anyos, na tinamaan sa tiyan at patalikod pang mahulog sa kongkretong kalsada mula sa Elf na sinasakyan ng mga ito.

(Pinoy Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.