6 Hepe na Nandoktor ng Crime Report, pinatalsik

ANIM NA hepe ng pulisya sa Cagayan Valley ang pinatalsik sa puwesto at nahaharap sa kasong administratibo matapos mabisto ang ginawang pagdo-doktor sa pagbaba ng bilang ng krimen upang palabasin na tahimik at maayos sa kanilang hurisdiksyon.

Sinabi ni Sr. Supt. Franklin Mabanag na kabilang sa mga napatalsik sa tungkulin ay tig-dalawang hepe sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela at Nueva Viscaya ang natuklasan ng inspection group mula sa National Police Headquarters na binabawasan ang bilang ng mga naitalang kaso ng krimen sa kanilang lugar.

Bagama’t tinanggihan na niyang kilalanin ang mga nasibak, sinabi ni Mabanag hindi naging katanggap-tanggap ang katuwiran ng mga ito na hindi nila isinasama sa report ang maliliit na krimen tulad ng mga ninakaw o nadisgrasyang kambing, kalabaw at mga away pamilya.

Inamin naman ni Isabela Police Director Sr. Supt. Sotero Ramos Jr. na bahagyang tumaas ang bilang ng krimen sa kanyang kinasasakupan dahilan sa pag-iistrikto ng kanyang mga hepe.

Samantala, ayon kay Ramos, hindi na nito pinapayagan ang mga pulis na makisawsaw sa pag-areglo sa mga kaso dahil trabaho na ito ng korte o piskalya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.