6-Buwang Citywide Feeding Program, Inilunsad sa Navotas

INILUNSAD KAMAKAILAN ang anim na buwan Citywide Feeding Program sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, Sangguniang Panlungsod at Liga ng mga Barangay ng Navotas bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Nutrition Month.

Bagaman bumaba sa bilang na 1,413 ngayong taon mula 1,733 kabataan na may edad na 0 hanggang 6 na taon noong nakaraang taon, sinimulan muli ang programa sa labing-apat na barangay sa lungsod upang mabigyan ng kaukulang atensyon ang kanilang kalusugan.

Sa programang ito, sinisuguro ng mga kawani ng Barangay Health Centers na mabibigyan nila ang bawat kabataan sa kanilang lugar ng sapat at masustansiyang pagkain pati na mga bitamina. Katulong nila sa gawaing ito ang Sangguniang Kabataan.

Isasailalim din ang kanilang mga magulang sa libreng mga seminar ukol sa tamang pangangalaga sa kalusugan ng kanilang mga anak.

Ayon kay Mayor Tiangco, bumaba rin mula 4.3% sa 3.8% ang ibinabang kaso ng malnutrisyon sa lungsod simula noong nakaraang taon.

Dahil dito, binigyang-pagkilala ng punong lungsod ang mga bumubuo ng Navotas City Nutrition Office dahil sa kanilang mahusay na pagsasagawa ng kanilang tungkulin.

Ani ni Mayor Tiangco, “Nilalayon ng lokal na pamahalaan ng Navotas na tuluyang maubos ang bilang ng mga kabataang kinakailangang dumaan sa ganitong programa na nagangahulugang wala ng malnourished na bata sa lungsod.”

Kasalukuyang inoorganisa ang isang On-the-Spot Art Contest at Seminar-Workshop on Vegetable Gardening upang mahikayat ang mga Navoteño na kumain at magtanim ng gulay kaugnay ng layunin ng lokal na pamahalaan na makamit ang Zero Malnourishment Rate pagdating ng taong 2013.    (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.