6-buwang buntis, niluray

PINAGSAMANTALAHAN NG hindi nakikilalang salarin ang isang babae na umano’y anim na buwang buntis sa damuhan sa Barangay Baluan sa General Santos City.

Base sa report mula sa Lagao Police Station, naki-lala ang biktima na si Alyas Rena, 23, isang masahista at residente ng Sarangani province.

Batay rin sa pagsisiyasat, pinangakuan umano ng kanyang customer ang biktima na babayaran ng P1,000 matapos magpamasahe. Hindi inakala ng nasabing babae na sa damuhan siya dadalhin sapagkat sa boarding house umano ng naturang customer ang kanilang pinagkasunduan.

Ayon sa biktima, tatlo umano ang suspek kung saan isa ang gumahasa sa kanya habang ang dalawa naman ay nakamasid lang nang siya ay pinagsasawaan ng salarin.

Humingi ng tulong ang biktima kaya’t kumaripas ng takbo ang mga suspek matapos marinig ang papalapit na mga residente.

Sa isinagawang medical examination lumabas na positibo na pinagsamantalahan ang biktima.

Sinasabing ang naturang biktima ay iniwan ng kanyang ka-live in partner ma-tapos mabuntis. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.