6 Arestado sa Buy-Bust Operation ng PDEA Region 2

 

ARESTADO ANG ANIM na lalaki na naaktuhang gumagamit ng droga sa isang pot session sa Marabulig 1, Cauayan City.

Nagsagawa ng raid at buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng PNP Cauayan City at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 matapos makatanggap ng report hinggil sa nagaganap na pot session sa nasabing lugar.

Naaresto ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Rowell Morillo, Toto Mendoza, 38; Joseph Cristobal, 37; Henry Morillo, 21; Jover Gamueda at Sabino Eder, pawang mga residente ng Marabulig 1, Cauayan City.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang limang sachet ng pinatuyong dahon ng Marijuana, tatlong piraso ng P100 at isang binalot na dahon ng Marijuana.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ng mga ito na ngayon ay nasa kustodiya na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Ilagan, Isabela.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.