6-Anyos, Tigok sa Araro ng SK Chairman

NAGLAHO NA parang bula ang mga panga-rap ng isang ina para sa kanyang anak sa Ocampo, Camarines Sur matapos itong mahagip ng isang motorsiklo.

Sinabi ni Nanay Agnes, ina ng biktima na papunta na sana sa paaralan ang anim na taong gulang niyang anak na si Anthony nang aksidenteng mahagip ito ng mabilis na motorsiklong minamaneho ng 18-anyos na SK chairman ng Barangay Cabariwan sa nasabing bayan na si Jerry Mahalaga.

Dead on the spot si Anthony habang sugatan naman si Mahalaga.

Samantala, nabatid na magtatapos sana sa kindergarten ang bata ngayong Marso.

Kasalukuyang nagdadalamhati pa rin ang ina nito sa hindi inaasahang pagkawala ng kanyang pangatlong anak na pangarap sana umanong maging isang pulis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.