6-anyos, patay; 4, kritikal sa kamoteng kahoy

BINAWIAN NA rin ng buhay ang anim na taong gulang na batang babae habang patuloy na ginagamot ang ina at tatlo nitong kapatid makaraang malason sa kinaing kamoteng kahoy sa Albay.

Bandang alas-8 ng gabi kamakalawa nang ideklara ng mga doktor na wala nang buhay ang batang si Jay-Ann Bordeos habang kritikal naman ang ina nito at tatlo pang

kapatid kasama na ang pitong taong gulang na si Lyza Bordeos, pawang residente ng Purok-7, Sagurong islang bayan ng San Miguel.

Sinasabing nagsimulang magsuka at manakit ang kani-lang tiyan makaraang kumain ng nilutong dinuguan na hinaluan ng kamoteng kahoy.

Nakaligtas naman sa nasabing pagkalason ang ama nito na nasa trabaho noong mga oras na iyon.

Samantala, una nang dinala sa isang private hospital ang mga biktima subalit dahil sa malubhang kalagayan, dinala na ito sa Bicol Regional Training & Teaching Hospital. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.