6-Anyos, Nadaganan ng Donation Marker, Patay

PATAY ANG isang anim na taong gulang na batang lalaki matapos itong madaganan ng kongkretong donation marker sa Barangay Lasip, Lingayen sa Pangasinan.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Avelino Aquino nang madaganan ng kongkretong marker matapos itong ugain ng isang 14-anyos na binatilyo.

Napuruhan sa ulo ang biktima na noo’y nakaupo lamang sa tabi ng donation marker habang pinanonood ang ibang batang naglalaro sa nasabing lugar.

Samantala, aminado naman ang mga opisyal sa barangay na ma-rupok na ang nasabing donation marker na walang bakal na pundasyon at noon pang 1987 ipinagawa.

Sa ngayon, nakatakda namang isailalim sa counseling ng Department of Social Welfare and Development ang binatilyong umuga sa donation marker.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.