6-ANYOS NA NENE, PISAK SA BUS

Pisak ang ulo at kumalat sa daan ang utak ng 6 anyos na batang babae matapos na masagasaan ng rumaragasang pampasaherong bus kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Mandaluyong City chief of Police P/Sr. Supt. Armando Bolalin ang biktima na si Ronalyn Monalinda, residente ng Blk. 34, Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills, ng nasabing lungsod.

Base sa report ni  PO3 Richard  Bumacas, halos wala naman umanong kaalam-alam kung kaya’t patuloy na pinatakbo ng driver na si Victor San Mateo, nasa hustong gulang, ang bus na may biyaheng Angat-Alabang Bus na may plakang TXF-866.

“Kung hindi pa hinarang ng nakakitang taxi driver ang bus na minamaneho ng suspek, hindi pa raw niya alam na mayroon siyang nasagasaan tao.” ayon kay PO3 Bumacas.

Ayon pa sa driver, bagama’t tila may nadaanan umano itong matigas na bagay, hindi na lamang nito pinansin at inakalang galon ito ng mineral water.

“Akala ko po isang bagay lang na katulad ng matigas na lalagyan ng mineral water kaya hindi ko napansin. Kasi po ang nakita kong batang tumawid ay hindi naman nasagasaan. Hindi ko alam na dalawa pala silang tatawid nang oras na iyon,” ayon kay San Mateo.

Samantala, hindi umano alam ng magulang ng biktima na tumawid ang kanilang anak at abala umano ang mga ito sa pagtitinda bilang vendor kung kaya napabayaan ang biktima na tumawid sa kalsada. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.