6-anyos, lasog sa motorsiklo

PATAY ANG isang anim na taong gulang na bata matapos masagasaan ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Paulba, Ligao City sa Albay.

Kinilala ang biktima na si  Julian Reyes, residente ng naturang lugar.

Base sa pagsisiyasat, nahagip ng motorsiklong minamaneho ni Francis Aaron Canaveral, 18, residente ng Brgy. Palapas sa nabanggit na lungsod, ang biktima habang tumatawid sa kalsada sa tapat mismo ng Paulba Elementary School sa parehong lungsod.

Bagama’t agad dinala sa pagamutan ang bata na nagtamo ng matinding tama sa ulo, ay idineklara na itong dead on arrvial.

Samantala, pansamantalang nasa kostudiya ng mga kinauukulan ang motorsiklo habang patuloy na sinisiyasat ang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.