Kris Bernal, may tsansa raw ang panliligaw ni Jolo Revilla

AMA LANG na aminin ni Kris Bernal na nililigawan nga siya ni Jolo Revilla. At wala ring masama sa kung magpakatotoo siya sa pagsasabing may chance na sagutin niya ang aktor. Hindi rin itinanggi ng aktres na madalas silang nagkikita lately.

“Siya kasi, he always ask me to go out for dinner,” aniya nga. “And, alam mo ‘yon? Bonding lang. Right now, parang I see him as… more of being a friend, eh. Alam mo ‘yon? Ngayon talaga, magkaibigan kami, eh. At natutuwa ako dahil may taong nandiyan. Nagki-care sa ‘yo.

“Ilang weeks pa lang kaming nagkaka-kilala talagang mabuti at nagkikita. Hindi naman puwedeng kayo na agad! Siyempre, habang tumatagal, do’n mo nakikilalang mabuti ‘yong tao. ‘Yong ugali talaga ng tao. ‘Yong buhay niya. Kailangan talaga na magkakilala muna kayong mabuti.

“Naipakilala na niya (Jolo) po ako sa family niya. And, ‘yon… na-feel ko naman na ang init ng pagtanggap nila (the Revilla family) sa akin.”

Ipinakilala na rin daw siya ni Jolo sa anak nito kay Grace Adriano (daughter ni Rosanna Roces).

“Si Gab… ang cute-cute niya. Ang sarap na… kasi mahilig ako sa bata. Mahilig akong mag-alaga ng bata. So no’ng ipinakilala niya (Jolo) sa akin (si Gab), talagang gusto kong maging close sa kanya.”

Wala naman daw kaso kung may anak na ang lalaking sunod niyang mamahalin o kung magiging step-mom man siya.

“I wouldn’t mind. But, I can’t tell now. Because… hindi ko pa masyadong kilala si Jolo. Hindi ko pa masasabi ngayon. Pero it’s okay… it’s no big deal for me kung may anak siya.”

Nakakabahala na ‘yong napapabalitang severe migraine ni Jolo. Nakatakda nga itong pumunta sa Amerika para humingi ng second opinion sa mga doktor doon. Nagwu-worry rin daw si Kris tungkol dito.

“Napag-uusapan din namin ang tungkol do’n. Minsan ka-text ko siya. Sinasabi niya na inatake raw siya ng migraine. Kapag inaatake siya ng migraine niya, siyempre bilang kaibigan, gusto kong tumulong. Pero hindi ko naman alam kung paano.”

Mukhang tanggap naman siya ng Revilla family sakaling maging sila na nga ni Jolo. Boto rin ba kaya ang family niya sa aktor? What do they say about him?

“Well, of course they’re happy because someone is there for me. Pero, siyempre, alam mo naman ang payo pa rin nila para sa akin, na ‘kilalanin mo muna. Ayaw na naming ikaw, masaktan. Basta kung ano ang makakapagpasaya sa ‘yo, do’n kami’.

“Sa totoo lang, hindi ko naman talaga hinahabol na magkaroon ng bagong lovelife, eh. Dumadating na lang ‘yan, eh. At kumbaga… tingnan na lang natin kung makapagbibigay-inspirasyon ba ito sa akin at hindi makakasagabal sa career.”

Dumating na nga at kumakatok na ngayon ang bagong lovelife sa katauhan ni Jolo, ‘di ba?

“There’s so many things to consider before getting into a new relationship. Marami kang kailangang i-consider. Lalo na kapag sa trabaho. Mahal ko ang trabaho ko. And iyon ang priority ko. Basta ang focus ko muna sa ngayon, trabaho.

“Pagdating sa lovelife, hindi ako nagmamadali. Basta masaya ako na may mga taong nandiyan para sa akin.”

 

MARAMI ANG nagdududa kung nagkabalikan nga ba talaga sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz. At may mga nag-iisip na parang hindi naman daw.

At dahil sila ang magkapareha sa bagong seye ng ABS-CBN na Kung Ako’y Iiwan Mo, hindi maiwasang matanong si Jake Cuenca tungkol dito.

“’Yon ang hindi ko alam,” nangingiting sabi ng aktor nang mausisa namin kamakailan. “Hindi ko alam ‘yon.”

Hindi nila napag-uusapan?

“Nagkukuwentuhan kami paminsan-minsan. Pero para sa amin na ‘yon. I mean… sa amin na lang kung ano ‘yong mga napag-uusapan namin sa set.

“Si Shaina, sobrang sarap na katrabaho. Sa totoo lang. “At saka ‘yong ginagawa namin sa soap, isang bagay na hindi pa niya ginagawa sa kahit na anong proyekto na ginagawa niya. So ako… proud lang ako sa kanya. Inaalalayan ko lang siya.

“At ano… naman kay Lloydie, wala naman siyang kailangang alalahanin pa. Dahil magkaibigan din naman kami ni John Lloyd.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Kris Bernal, may tsansa raw ang panliligaw ni Jolo Revilla

  1. Sus, nag insinuate na naman si Jake punggok. Para namang mayroon silang secret ni Shaina. Noong dalhin niya si Lovi sa Star Magic ball, nag-insinuate siyang nagde-date sila. Kapal ng apog, liit ng vienna.

Leave a Reply

Your email address will not be published.