58-anyos na lolo, patay sa kainitan ng sex sa 20-anyos

TULUYAN NANG NANIGAS for life ang isang 58-anyos na lolo nang atakihin umano sa puso sa gitna ng pakikipagtalik sa 20-anyos na babae sa loob ng isang motel sa General Santos City, kamakalawa.

Kinilala itong si Domingo Candelario Hisog, isang insu-rance agent sa Koronadal City.

Batay sa ulat, kasama ni Hisog ang isang babaeng itinago sa pangalang Jennie na nag-check in sa motel sa Barangay Apopong.

Sa kuwento ni Jennie, nagtagal sa banyo si Hisog at hinihinala nitong uminom ito ng sex enhancement drugs.

Gayunman, bigla umanong nawalan ng malay tao si Hisog habang magkatabi sila sa kama ni Jennie.          Dahil dito, agad na nagpasaklolo si Jennie sa motel staff na sila namang nagsugod sa ospital kay Hisog ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.   (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.