571 pasahero ng barkong sumadsad, ligtas

LIGTAS ANG may 571 passenger ng barkong sumadsad sa karagatang sakop ng Panay at Negros Occidental.

Sa ulat na nakarating sa Pinoy Parazzi mula kay Petty Officer 1st Class Alejandro Hinigaban, coastguard ng PCG Iloilo City, nananatiling stranded sa baybayin ng nasabing lugar ang barko ng Negros Navigation na St. Thomas De Aquinas.

Ayon kay Hinigaban, noong Biyernes ng hapon nang umalis sa Bacolod City ang barko papuntang Iloilo at Cagayan de Oro.

Subalit hindi umano nakarating ng kanyang destination port ang barko, dahilan para tawagan ito ng Coast Guard-Iloilo.

Napag-alaman na nagkaroon ng mechanical problem ang sasakyang-pandagat kung saan hindi umano gumagana ang backing sa propulsion nito.

Sa record, sakay ng barko ang 571 na mga pasahero, 538 dito ay mga adult, 19 ang mga bata at 14 na infants.

Ayon sa PCG, nagpadala na sila ng dalawang tugboat para hilain patungo sa Arrastre Port ang barko at pasakayin na lamang sa ibang barko ang mga pasahero nito na papuntang Cagayan de Oro.                            (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.