57 pares na magsing-irog, ikinasal sa Navotas

HINDI PINALAGPAS ng pamahalaan lokal ng Navotas ang Araw ng mga Puso, upang pagbigkisin ang magsing-irog o matagal nang nagsasama bilang live-in partner sa pamamagitan ng pagpapakasal sa mga ito ng libre ng may limamput pitong pares na mag-asawa ikinasal kamakailan sa Navotas Sports Complex.

Sinaksihan at binigyan ng basbas ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga mag-asawa para maging legal ang kanilang pagsasama sa iisang bubong sa matagal ng panahon.

Maging si Cong. Toby Tiangco at mga konsehal ay nakisaksi sa seremonya para maging ganap ang pagsasama ng mag-asawa na kung saan isa na rito ang mag-asawang Domingo Felices, 63 at Daisy Molinio, 40, na halos 8-taon nagsama bilang live-in partner at nagkaroon ng dalawang anak.

Ayon sa alkalde, hinihikayat nito ang mga nagmamahalan o magkasintahan na gawing legal sa pamamagitan ng pagpapakasal kung sila ay nagsasama na sa iisang bubong at hanggang sa magkaroon na rin ng mga anak.

“The local government of Navotas believes that families, the smallest sub-units of the community, should have a solid foundation such as marriage to strengthen their union for this is vital for the growth and progress of the city,” ani pa ng alkalde.

Naniniwala rin ang lokal na pamahalaan na hindi pa huli ang lahat para sa pagpapakasal sa dalawang puso upang bigyan ng pagpapahalaga ang kanilang pagmamahalan.

Isa na rito sa naniniwala ang ama ng lungsod na halos pitong taon na ring kasal at ngayon nanatiling matatag at masaya ang kanilang pagsasama.

Pati regalo at libreng pagkuha ng larawan para sa mga bagong kasal ay sinagot na rin ng pamahalaan lokal ng nasabing lungsod.

(MARY H. SAPICO)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.