57-Anyos, Natusta sa Live Wire

DEAD ON arrival sa pagamutan sa Agoo, La Union ang isang 57-anyos na babae matapos makuryente nang aksidenteng mahawakan nito ang live wire sa loob ng kamalig na malapit lamang sa kanilang bahay sa Patac, Sto. Tomas, La Union.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang Eufemia Japson, may asawa, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report  ng mga awtoridad, bandang alas-7:30 kagabi ay nagtungo umano ang biktima sa nasabing kamalig para kumuha ng yero ngunit dito niya aksidenteng nahawakan ang live wire na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.