“’Di po totoong nag-break na kami!” – Lovi Poe

BULL Chit!
by Chit Ramos

Sinorpresa ni Inah ang kanyang kuya Jolo Revilla sa 21st birthday nito nu’ng Sabado. Kakuntsaba ni Ina ang kanyang young husband na si Vince (del Rosario) at mga kapatid niyang sina Bryan, Giana, Loudette, mommy Lani at Daddy (Senator Bong Revilla, Jr.).

“Since kuya Jolo can’t go to Las Vegas, we will bring Las Vegas to him!” Ani Inah sa kanyang text message. May plano daw sana si kuya Jolo niya na sa Las Vegas sana i-celebrate ang birthday. Doon kasi, lisensyadong mag-wine kapag 21 years old na ang isang lalaki. Big thing ito doon at kakaiba ang celebration, lalo’t may mga barkada na rin siya roon.

“Pero, nag-i-school siya kaya hindi p’wede. But we can’t just let the day pass without any celebration. Nakita naman po ninyo ang bahay namin sa Alabang. Ginawa talaga naming Las Vegas ang sala.

Buti na nga lang at nasa hospital si Ram at may pharingitis. Hindi siya halos makapagsalita. Kasi naman, maingay ang kapatid kong iyon. Baka mabuking pa kami. Binabantayan siya ni Mama, kaya hindi nabuking ang surprise namin,” patuloy ni Inah.

Sa party ring iyon namin nakumpirma na masaya pa rin ang relasyon nina Jolo at Lovi Poe. “Hindi po totoong nag-break na kami,” katuwiran ng magandang dalaga ni Da King FPJ. I was also there nang mag-celebrate ng birthday si Tito Ramon (tawag niya kay Ramon, Sr.). I make it a point naman to greet them kapag may okasyon. Magtatampo po ang mga kapatid niya. Mas matatampuhin po sila, kasi si Jolo, very understanding ‘yan.”

Disiplinado si Lovi tuwing makikita ng BULLCHIT sa mga okasyong kasama si Jolo. Behaved na behaved. Ganu’n din si Jolo. Hindi mo sila makikitang nag pi-PDA (public display of affection). Ikararangal sila ng kani-kanilang parents. They are really trying their best na hindi mapintasan. Gusto nilang i-prove na kahit may relasyon sila, hindi nakakalimutan ang responsibilidad nila sa mga taong nagmamahal sa kanila. Seryoso rin sila sa kanilang profession. Gusto nilang tiyakin sa mga ito na hindi sila susubo sa maagang pag-aasawa.

“May gusto kaming i-prove sa aming sarili,” sabi naman ni Jolo.

TULAD NOONG KAARAWAN ni Ramon Revilla, Sr., present din sa surprise party si Joan, ang napakagandang girlfriend ni Bryan (Revilla). She’s a dead ringer for Nadine Samonte. Mas maganda lang ng sampung paligo (totoo)! Kidding aside, maganda nga ang non-showbiz girlfriend ng nakatatandang kapatid ni Jolo. Hiyang yata si Bryan outside showbiz.

Pansamantala kasing iniwan niya ang pag-aartista, dahil mas kailangan ng kanyang pag-aaral ang atensiyon niya. He’s taking up Law. Gusto niyang matupad ang pangarap ng kanyang lolo, dad at mom na magkaroon ng abogado o doktor man lang sana sa pamilya. In his case, Law ang pinili niya. Hindi kasi natupad ang pangarap ni Ramos, Sr. noon na maging doktor ang junior niyang si Bong. But look naman he is now. A senator and a possible vice-presidentiable.

Kahit si Andeng (Andrea), pinag-aral din ni Ramon, Sr. ng medicine. But she turned out to be a doctor’s wife and governor’s wife as well. Junjun Ynares as you all know is the incumbent Rizal governor.

Then asked kung gusto niyang matupad ang pangarap ng kanyang lolo, walang second thought na sumagot si Bryan: “No problem. Pangarap ko rin po ‘yun!”

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.