Korina Sanchez and Mar Roxas, getting married?

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

MARAMI ANG KINILIG sa naging palitan ng panayam nina ateng Korina Sanchez at Senator Mar Roxas sa SNN kamakailan. Kahapon din yata sa The Buzz, muling ipinakita ang nasabing interview.

Siyempre isyu nga kasalan ang naging paksa. Naghihintay lamang pala si ateng Koring sa proposal ni Senador, habang nakiusap naman ang huli na huwag naman sana siyang pangunahan ng media sa paghingi sa kamay ng pamoso at matapang na broadcast journalist.

Simula kasi nang maging opisyal ang kanilang relasyon, tinutukan na ng media at ng publiko na rin ang bawat kaganapan sa kanila, hanggang sa mas nauuna pa nga tayo na mag-speculate kung may magaganap bang kasalan soon or what?

But from the looks of it, halatang-halata sa dalawa na matutupad na rin ang tila fairytale-like love story nila na nais matunghayan ng sambayanang Pilipino.

Hay naku, basta kami sobrang kinikilig sa kanila.

BAGO MAGPAALAM SA ere ang Deal or No deal at palitan ito ng bagong game show (Pinoy Bingo Night) na si mareng Kris din ang host, siniguro ng ABS-CBN management na makapag-guest ang mahal nating si Gov. Vilma Santos at asawa nitong si NEDA Sec. Ralph Recto.

Of course alam na namin ang nangyari sa naturang episode (pre-taped na kasi) dahil naikuwento na ito ng mga kapwa Vilmanians sa blog nila, pero for the sake of suspense (daw o!), hindi na namin ire-reveal sa inyo ang nangyari. Basta, hanggang sa huling sandali, nanindigan at lumaban ang mag-asawa sa anumang inialok ni banker.

Si Ate Vi ang recipient ng Lifetime Achievement Award as Ulirang Artista na igagawad sa kanya ng PMPC this year which also coincides to its 25th year as a major award-giving body sa industriya. Walang kuwestiyun sa pagkakapili kay Ate Vi. Para nga sa amin, long overdue na ang nasabing parangal, pero dahil mas mainam na sa silver year ito ng PMPC natapat, mas memorable ito siyempre.

Sa pagkakaalam namin, ngayong Mayo o sa unang linggo ng Hunyo ito mangyayari kaya’t mga kapwa Vilmanians, mag-reserve na ng araw para sa natatanging moment ni Ate Vi. Balita rin namin, kumpirmado na siya bilang isa sa mga major hosts ng naturang parangal.

FINALLY, NAGSALITA NA rin si Jomari Yllana sa naging isyu nila ni Pops Fernandez.

Sa bagong lunsad na programang Cool Center nina Anjo Yllana at Eugene Domingo sa GMA 7 noong Saturday ng gabi, live na naging panauhin si Jom.

Hindi siya nagbigay ng mga detalye sa naging paghihiwalay nila ni Pops, bagkus itinuon niya ang kanyang sentimyento kay Martin Nievera na ayon sa kanya, nakikisawsaw lang sa gulo. Kung hindi na raw gusto ni Martin na makatrabaho si Jom sa mga future shows, wala siyang magagawa. Bilang negosyante, mas may posisyon ang aktor na piliin ang sinumang sa tingin niya ay makatutulong sa negosyo niya.

Matitindi ang binitawang pahayag ni Jom laban sa dating asawa ni Pops at hiniling niya ritong mag-refrain sa paggamit sa isyung paghihiwalay nila ni Pops dahil wala naman diumano itong kinalaman sa kanila. “I owe you no explanation,” bahagi pa ng litanya ni Jom kay Martin na tinawag din niyang “immature.”

Noong Monday pa raw sila huling nagkausap ni Pops at sa halos tatlong oras nilang pag-uusap, nag-end sila bilang magkaibigan.

Hindi lang daw niya maunawaan kung bakit nakikisawsaw pa si Martin sa kanila. Pati nga ang kanilang mga edad, kinumpara pa ni Jom na para bang sinasabi nitong ’tila walang pinagkakatandaan ang concert king.’

“I’d rather remember those beautiful memories that we had,” hirit pa nito sa naging estado nga nila ni Pops, sabay hingi rin ng paunawa sa mga tao sa pagiging tahimik niya umano sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng ex-wife ni Martin Nievera.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.