Boy Abunda, sumabog na kay Erik Santos!

AKALA PALA NI Erik Santos eh, malulusutan nito ang mga tanong ng press sa kanya sa recent launching ng kanyang album, tungkol nga sa pagkawala niya sa kalinga ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda. Ang feeling pa nga ni Erik that time eh, inilalaglag daw siya ng mga nag-uusisa sa kanya.

Para malinawan ang lahat, nagbigay na ng kanyang pahayag si Kuya Boy tungkol sa nasabing isyu.

Unang pasabog! According to Kuya Boy, hindi si Erik ang umalis sa Backroom. Ang Backroom ang nagpaalis sa kanya.

“One of the reasons kung bakit namin siya ni-release ay dahil sa aming palagay na he’s capable of taking good care of himself already at kaya na niyang mag-produce ng sarili niyang concert. Na kaya na niyang pangalagaan ang kanyang sarili kaya okay na sa amin. Pero more than that, may sama ako ng loob sa kanya.”

Ikalawang pasabog! Diumano bina-bad mouth daw siya ni Erik.

“Marami na akong naririnig. And I was hoping that Erik would come and address it to me. Ano ang mga sinasabi ni Erik Santos? Sinasabi niya, ‘Ano ba naman itong buhay na ‘to! Parang ako na lang mag-isa ang nagpa-plano sa karera ko. Wala nang tumutulong sa akin, pinababayaan na ako.’ But those were not the exact quotes. ‘Yan ang complaint niya and he will deny. That’s recorded.”

Marami pa raw itong versions.

“Sinasabi niya na ‘Gusto kong makipag-meeting kay Kuya Boy, pero wala siyang oras.’ Kasinungalingan ‘yan. Marami siyang sinasabi na parang teka muna, ano ba ang nangyayari? Bakit mo ba sinisiraan ang Backroom? Sasabihin niya na hindi ako nakikipag-meeting sa kanya? He’s never called me. Na hindi ako nagre-return call. May ugali ako na kahit sino ang tumawag sa akin, I return calls. Walang pagkakataon na humingi sa akin ng meeting si Erik. Na hindi ko na-meet lalo na ‘pag may kinailangan siya na may kinalaman sa kanyang career. Hindi ko kailanman ipinagkait ang aking oras sa mga artista ko kahit gaano ako ka-busy.”

Ikatlong pasabog! May kinalaman naman ito tungkol sa nakaraang concert ng singer noong August sa Music Museum.

“Sinasabi niya, ‘Itong concert na ito, ako ang nag-isip, walang tumutulong.’ Mali ‘yun. ‘Yung Power Ikons na title ng concert, sa akin ‘yun. He produced it. Natural may kakayanan na siya. May kapasidad na siya. At karera naman niya ‘yun.

“Pangalawa, si Boy So, nagbigay sa kanya ng P200,000. May isa ka-ming kaibigan na nagbigay sa kanya ng sponsorship na P50,000 because of me. Ang hirap magsalita tungkol sa pera, pero ano’ng sasabihin mo na wala kaming ginagawa? I gave him a press conference for that concert.

“Ang dali mo namang makalimot, ‘di ba? Parang ang lakas ng loob mo na sabihin na wala kaming ginagawang tulong. I mean, from the title to the sponsorship. Ang dali-dali mo naming makalimot, ‘di ba?

“Kaya ako galit! ‘Yan ang paliwanag kung bakit ako galit. Na parang bakit? Bakit mo ako binibilangan? Sa pitong taon, nakalimutan mo lahat? At may katanungan ako. Ano ba ang nagawa mo sa buhay ko? Yumaman ba ako? Nagkakarera ba ako? Naging pamoso ba ako dahil sa minanage ko si Erik Santos?

“Tanungin nga natin? Ano ba ang nagawa ko sa ‘yo? Don’t I deserve a little respect? ‘Yun ang sagot ko sa kanya doon. ‘Di ba? Parang ang dali mo namang makalimot. Ang ikinagagalit ko sa kanya ngayon, patuloy pa rin niyang sinasabi ‘Wala naman akong ginawa. Wala naman kong sinasabi. Ano ba? Tahimik na lang tayo.’ Ano’ng walang sinasabi? Ano ba? Alam ko lahat ng sinasabi mo.”

Ayon kay Kuya Boy nagkaroon naman ng pagkakataon na nakausap niya na si Erik bago pa man maglitawan ang mga isyu.

“Ang sinabi ko lang sa kanya nu’ng time na mag-usap kami, ‘may mga naririnig akong sinasabi mo’. Pero hindi ko na idinetalye at hu-mingi siya ng tawad. ‘Patawarin mo ako tito Boy sa aking mga nagawa.’ Patuloy siya sa pagba-bad mouth sa Backroom.”

Dagdag pa ng King of Talk, mismong mga kaibigan ng singer ang nagsabi na sa kanya na ayaw niya na lang pangalanan pa. At naka-record pa nga raw ang iba rito kaya hindi ito pwedeng i-deny ni Erik.

 

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

8 thoughts on “Boy Abunda, sumabog na kay Erik Santos!

  1. korek erik santos. wala na siya sa mga promo ng ebs… si baklang kalbo kc. si mariel inaatupag e wala naman talent yung hitad na yun!

  2. bakla. kung ayaw sa iyo, hwag pilitin! kasi nmn, host ng pagka rami-raming programa, manager pa ng ilang kalerking talents! yan napapala mo baklang kalbo ka.

  3. ano pa aasahan nyo kay erik santos sarili nga di mapanindigan ayaw umamin na bakla hehe classmate ko nung college baklang bakala ang lola mo dati, malakas ang loob nitong si erik santos kalabanin si boy abunda kasi kadikit nito si christy fermin na kaaway din ni boy abunda sa dami dami ng talent na pinasikat ni boy abunda bakit tong baklang starlet na si erik santos lang ang nagsasabi ng masama tapos ngayon pumunta pa mismo sa bahay ni boy abunda para huminge ng dispensa sa mga bobong fans ni baklita kung totoo sinabi ni erik santos bakit sya pa pupunta sa bahay ni boy abunda para huminge ng tawad hehehe….

  4. I think Erik has a point. Wala akong nakikitang promo siya. Siya lang ang nagpro-promote sa sarili niya. Lagi pa nga siyang guest sa Walang Tulugan ni Kuya Germs para magpromote lang ng album. Boy Abunda has spent too much time promoting Mariel Rodriguez that he forgot he has more than one talent to take care of.

  5. —- wala naman masama sa sinabi ni erik santos …nilabas lang naman nya ang sama nya ng loob sa friend nya…di ba natural lang sa kaibigan ang maglabas ng sama ng loob….sobrang yumabang lang tlga si boy abunda…ang galing nya mag advice sa the buzz akala mo kung sinung anghel..yun pala nasa loob din ang kulo….sabi nya kay erik “shut up” pero sya mismo hindi nag “shut up” sa public….kung tlgang respetado kang tao boy abunda hindi mo na papatulan si erik santos..dapat nanahimik ka nlng…akaala mo na kung sino ka .kaibigan ka lang ng presidente…umangas ka na!! i hate U kalbo :)))

Leave a Reply

Your email address will not be published.