52 barangay vs 7 barangay, pabor sa sanitary landfill

SAN JOSE DEL Monte City – Sa kabuuang bilang na 59 na barangay, 52 barangay rito ang pumabor habang 7 barangay naman ang patuloy na tumututol sa pagpapatuloy ng operasyon ng Engineered VGP Sanitary Landfill na matatagpuan sa Brgy. Minuyan.

Sa exclusive interview ng Pinoy Parazzi kay ABC chairman Rey Policarpio, majority ng mga residente sa nabanggit na siyudad ang pumapayag sa high class na tapunan ng basura sa kanilang lugar.

Aniya, sa 59 na barangay, pito lamang dito ang pilit na tumututol. Subalit sa kabila nito’y patuloy ang ginagawa nilang pagbibigay ng seminar sa mga residente sa nabangit lungsod upang mas lalo pa nilang maunawaan at maintindihan ang kalagahan ng malinis at maayos na tapunan ng basura.

Sinabi pa ni ABC chairman, na anumang oras at araw ni-lang puntahan at bisitahin ang naturang tapunan ng basura, bukas ang kanilang pintuan para rito.

Mahalagang malaman ng bawat isa na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) na Republic Act 9003, sinabi ni Secretary Ramon Paje, na bawal na ang pag-o-operate ng open dampsite, saan man sa Pilipinas. Kung saan mga makabagong teknolohiya, mula sa iba’t ibang bansa ang ginagamit ng nabanggit na sanitary landfill na pinatatakbo ng negosyanteng si G. Reymond Puyat.

Ipinaliwanag ng Kalihim, na kailangan nang kumilos kontra basura, upang hindi na muling maranasan pa ang hagupit ng bagyong Pepeng at Ondoy, na muling ibinalik sa tao ang mga itinapon nilang basura, dahil sa matinding pagbaha dala ng malakas na buhos ng ulan.

Ayon naman kay G. Puyat, kailangan ng bawat bayan ang transfer station para sa mga basurang hahakutin ng kanilang 40-ft. container truck, kung saan kailangan ding siguruhin na well-segregated ang kanilang mga itinatapon na basura. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.