Ipinakilala na ni Kylie Padilla at may pelikula pa sila Aljur Abrenica, ‘di kilala ni Robin Padilla?!

KAGAYA NI KYLIE Padilla, hindi rin mapaamin si Aljur Abrenica tungkol sa hinihinalang pagkakamabutihan na nilang dalawa.

“Sa ngayon naman, kumbaga wala naman ka-ming masasabi sa inyo dahil wala naman po talaga,” aniya. “Magkaibigan lang kami ni Kylie. At… espesyal lang po ang turingan namin sa isa’t isa. Madalas kasi, we have a lot in common, e. Kaya nandito ako. Nandito kami para sa isa’t isa para magbigay ng suporta. Lalung-lalo na ako. At ituro sa isa’t isa kung ano ang nalalaman namin.”

Kung talagang hindi pa sila, nanliligaw siya kay Kylie?

“Hindi ko masasabing nanliligaw, e. Kasi more on talagang… hang out lang, e. Kumbaga sa ngayon, hindi kami nagmamadali, e.”

May mga nag-iisip kasi na baka dahil sa ama ni Kylie na si Robin Padilla?

“Hindi. Walang kinalaman po si Tito Robin para hindi ako manligaw.”

Pero maluwag na nga raw si Robin ngayon sa kanila ni Kylie. At ikinatutuwa naman daw ito ni Aljur.

Ano sa tingin niya ang magandang magiging epekto nito sa closeness nila ni Kylie?

“Wala naman, e. Hindi naman talaga ano… wala namang nagbago sa amin, e. “Para sa akin, hindi naman ako binawalan o pinigilan ni Tito Robin. Kung ano kami (ni Kylie) noon, gano’n pa rin kami ngayon. ‘Yong sitwasyon namin, gano’n pa rin.”

Sa mga naghihinalang hindi lang nga sila magkaibigan ni Kylie, ano ang gusto niyang iapela?

“Wala akong masasabi diyan.  Choice nila iyon, e. Lahat naman tayo, may kanya-kanyang paniniwala. Basta sa akin, magkaibigan lang kami,” pagdidiin ulit ni Aljur.

 

MARAMI ANG NAINTRIGA kung bakit nang mag-guest si Robin Padilla sa KrisTV ni Kris Aquino, hindi mabanggit-banggit ng action superstar ang pangalan ni Aljur Abrenica.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa bagong pelikula na ginagawa niya ngayon. Ani Robin, “Kasama ko rito ang anak kong si Kylie at saka ‘yong nagpapatibok ng puso niya ngayon… ano nga bang pangalan no’n?” tanong pa ng action star.

Si Kris ang nagsabi – si Aljur Abrenica.

“Buti alam mo ang pa-ngalan!” sabi ni Robin.

Naipakilala na ni Kylie si Aljur kay Robin. Ilang beses na ring nagkaharap ang mga ito na ang pinakahuli ay sa story conference ng pelikulang gagawin nga ni-lang tatlo. Kaya paano nga namang hindi matatandaan ni Robin ang pangalan ni Aljur?

O baka naman nagdyu-joke lang ang action star sa pagsasabing hindi niya alam ang pangalan ng napapabalitang boyfriend ng anak niya ngayon?

 

KAIBIGAN NI TONI Gonzaga  si Mariel Rodriguez. Nagkasama pa sila sa Happy Yipee Yehey. Kaya hindi maiiwasang matanong siya  tungkol sa napapabalita ngang paglipat na nito sa TV5 at sa ilang kontrobersiya about it.

“I don’t think I’m in the position to answer any of those question (tungkol sa paglipat ni Mariel). Kasi… artista rin lang ako. At kaibigan lang naman ako. Hindi naman ako lawyer. Hindi naman ako spokesperson. So, hayaan na lang natin silang mag-confirm ng mga ganyang bagay.”

Pero wala na siya sa Happy Yipee Yehey last Saturday?

“Oo. Desisyon niya ‘yon. Siyempre irespeto natin kung ano ang desisyon niya sa ngayon. Hindi natin alam ang mga desisyon niya. At kahit na alam ko rin naman, hindi naman siguro maganda na sa akin manggaling iyon dahil masyadong personal ‘yong paglipat na mangyayari. So… if ever man na matuloy o kung hindi, I think ang dapat na sumagot niyan ay si Mariel. Sa ngayon kasi, wala pa akong alam na concrete na desisyon. So hindi ko alam kung ano ang mararamdaman namin. Naghihintay rin lang kami.”

May lumabas ding balita na noong September 16, nagbigay na ng farewell party ang HYY kay Mariel. So, ibig sabihin, tuloy na nga ang pag-alis nito sa bakuran ng ABS-CBN?

“Wala ako no’n. Nagkasakit kasi ako. So narinig ko lang ‘yan.

“And uhm… mahirap siguro na magsalita ako kasi hindi ko naman alam kung ano ang nangyari roon, e. Kung siguro nando’n ako puwede akong makapagbigay ng detalye.”

“Siyempre… hindi naman natin mapapangunahan ‘yong desisyon ng mga tao. Kasi buhay nila iyon, e. Nandito lang tayo para umintindi at sumuporta. So… iyon na lang siguro,” sabi pa ni Toni.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Ipinakilala na ni Kylie Padilla at may pelikula pa sila Aljur Abrenica, ‘di kilala ni Robin Padilla?!

  1. hindi bagay c aljur at kylie mas bagay csi aljur at kris mas maganda tignaanat mas bagay sila sana sila ang magkatuluyan hindi c kylie! hindi maaring mabuwag ang alkis dahil lng ky kylie o khit kanino

Leave a Reply

Your email address will not be published.