51 estudyante, sinapian ng white lady

LIMAMPU’T ISANG MAG-AARAL ang umano’y sinapian ng masamang espiritu sa isang paaralan sa Compostella Valley.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ikinagulat ng mga guro sa Compostella City High School ang sabay-sabay na pagkahimatay ng mga mag-aaral na nagsimula noong Miyerkules.

Inakala ng isang guro mula sa 1st Year na nagbibiro ang 15 sa kanyang estudyante at nilapitan ang mga ito para pagalitan subalit nahintakutan nang pawang tumirik ang mga mata at nagsusuka.

Dito ipinagbigay alam ng isang Mrs. Dumaran sa kani-lang principal ang pangyayari hanggang sa malamang hindi lamang sa kanyang klase naganap ang kakatwang insidente kundi maging sa mga klase ng second year high school.

Ang kakaibang insidente ay muling naganap kahapon dakong alas-10 ng umaga nang ibang grupo naman ng mga estudyante ang sabay na hinimatay at makaraan ang ilang minuto ay nagsalita na iba ang tinig.

Agad sumundo ng albularyo ang eskuwelahan at ilan sa mga estudyante na umano’y sinapian ng isang  Christine Jacinto na matagal nang patay ay nagsabing nakatira sila sa punong mangga na pinutol upang tayuan ng silid-aralan.

Ayon pa kay “Christine” ang nasabing mangga ay kani-lang kaharian kaya labis silang nalungkot nang putulin ito.

Bilang paghihiganti, nagbanta ang “white lady” na isang guro ang kanilang kukunin.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.