509 residente, nagtapos ng computer learning sa Navotas

MATAGUMPAY NA nagtapos ang 509 na mga residente ng Navotas City, na may mga edad mula limang taon gulang hanggang 75, kamakailan sa Navotas Sports Complex ng nasabing lungsod.

Personal na tinanggap ng mga nagsitapos ang kanilang certificate of completion mula kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

Ito ay ang limang araw na pag-aaral ng computer course na tinawag na “Computer Outreach Learning (COOL) Program na lalo pang pinaiigting ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas para sa mga residente na walang kakayahan makagpag-aral.

Isa rin itong paraan para magkaroon ng kaalaman ang mga Navoteño pagdating sa computerization at mga basic program nito gaya ng MS Word, Excel at Powerpoint.

Hindi lamang din para sa mga kabataan kundi maging sa mga may-edad na dahil na rin pag-angat ng ekonomiya at halos lahat ay computerized na rin ang ginagamit.

Katuwang rin ni Mayor Tiangco sa naturang proyekto ang Bagong  Henerasyon party-list Representative Bernadette Herrera-Dy.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.