500 Pamilya, Nasunugan sa Tondo

AABOT SA 500 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos magkasunog sa tatlong barangay sa Tondo, Maynila kamakailan.

Sa pagsisiyasat ni Senior Fire Inspector Redgie Olmedo, nagmula ang sunog sa isang dalawang palapag na bahay ng isang Nora Cambry sa Barangay 8 na mabilis kumalat sa Barangay 9 at 48 dahil sa malakas na hangin.

Umabot sa ika-limang alarma ang sunog bago tuluyang naapula alas-12:32 ng madaling-araw. Tinatayang 200 bahay ang natupok.

Samantala, wala namang naitalang namatay sa sunog habang isa ang sugatan matapos mabagsakan ng nasusunog na pinto.

Ayon naman kay Senior Fire Inspector Bonifacio Carta na nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang makikitid na eskinita dahil dalawa lamang ang daan para makalapit sa sentro ng sunog bukod pa sa pawang yari sa light materials ang mga apektadong bahay.

Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang pinagmulan ng sunog at ha-laga ng pinsala.  

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.