$500-M Loan sa WB, Dinepensahan ng Malacañang

INIHAYAG NG Palasyo na kailangan pa rin ang $500 milyon na loan facility sa World Bank (WB).

Ito ay sa harap ng pahayag ni Finance Sec. Cesar Purisima na malaki ang natipid sa government spending at pagbuhos din ang foreign assistance.

Ayon kay Budget Sec. Butch Abad, kailangan ang naturang utang para sa pagtatayo ng mga istruktura at efforts ng Tacloban City at iba pang winasak ng kalamidad.

Sinabi ni Abad na ang mga natatanggap na donasyon ay nagagamit ngayon sa relief operation sa mga biktima ng bagyo.

Una rito, inanunsyo ng WB Group ang US$500 milyon loan o halos P21 bilyon at pagpapadala ng global disaster experts para sa recovery efforts ng Pilipinas sa pananalasa ng super typhhon Yolanda.

Base sa pahayag ni WB President Jim Yong Kim na committed ang WB na suportahan ang pagbangon ng bansa mula sa pinsala ng kalamidad at mapalakas pa ang loob ng mga Pinoy.

Sinabi ng World Bank na ito’y tugon nila sa kahilingan ng Pilipinas na emergency loan para sa reconstruction efforts sa nasalanta ng bagyo.

Samantala, maaaring magamit daw ang natu-rang pondo sa mga mahihirap, pansamantalang tirahan ng mga biktima at sa paglilinis o clearing operations sa mga debris matapos ang kalamidad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.