500 kabahayan para sa mahirap sinimulan na

SINIMULAN NANG itayo ang 500 kabahayan para sa mga mahihirap na residente ng Navotas na siyang ipinangako sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement na nilagdaan ng Navotas LGU at ng Habitat for Humanity nitong Setyembre 5, 2011.

Isang ground-breaking ceremony ang isinagawa kamakailan na pinangunahan ni Navotas City Mayor John Reynald Tiangco, sa Barangay Tanza sa 8.4 km fish pond na siyang pagtatayuan ng 500 bahay, kasama rin si Ricky Jacinto, President ng Habitat for Humanity.

Ang nasabing proyekto ay bahagi rin ng Navotas Socialized Housing, paraan upang mabigyan ng maayos at ligtas na pamumuhay ang mga mahihirap na Navoteño.

“This project as soon as we can through everyone’s cooperation in building houses and raising funds,” ani pa Jacinto.

Kabilang din ang sikat na aktor na si Derek Ramsay, bilang ambassador ng programang “Habitat Derek Build Program”, pati ang iba pang mga sikat na actor/actress.

Ayon naman sa alkalde, pinasasalamatan nito ang mga nasabing organisasyon na nagbigay ng suporta sa naturang proyekto at aasahan na sa darating na taon ay may panibago pang mabubuo programa at maraming volunteer.

Sa kasalukuyan ay may 50 bahay na ang naitayo sa pamamagitan ng Priority Assistance Development Fund ni Navotas City Rep. Toby Tiangco, habang 50 pa ang kasalukuyan ginagawa mula pa rin sa naturang pondo ng mambabatas.

(MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.