500 Ektaryang Taniman ng Goma sa Zamboanga, Ihahanda sa Produksyon

IHAHANDA PARA sa halos 60-70 bahagdan ng produksyon ng goma sa Tampilisan, Zamboanga ang 500 ektaryang taniman na pag-aari ng ZNAC Rubber Estate Corp. (ZREC).

Ayon sa Department of Agriculture, ang paglalagay ng pataba sa nasabing lupa ay mag-aangat ng produksyon at kita sa magsasaka at sa nasabing kumpanya na ang bahagi ay pag-aari ng pamahalaan.

May 70:30 revenue sharing commitment ang gobyerno at ang kumpanya, ayon sa ZREC President Allan Q. Umali na isa ring ASec ng DA.

Ang mga naha-harvest na goma sa nasabing farm o taniman ay ini-export upang maging latex na karaniwang ginagamit bilang rubber products gaya ng gulong ng sasakyan, atbp.

(MJ BALAGUER)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.