500 bahay itatayo sa Navotas

PARA MABIGYAN NG maayos na tahanan at masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa lungsod ng Navotas, isinulong ng pamahalaang lungsod ang Navotas Tanza Socialized Housing sa pakikipagtulungan ng Habitat for Humanity, kung saan limang daan pamilya na mahihirap ang mabebenipisyuhan.

Ang Memorandum of Agreement (MoA) na “Habitat Raise Funds to Build 500 Houses for Navotas” ay nilagdaan nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at ni Ricky Jacinto, president ng Habitat for Humanity nitong nakalipas na Setyembre 5, 2011 sa Navotas City hall ground.

Ang 8.4 hectare fish pond sa Tanza, Navotas, ang siyang pagtatayuan ng 500 bahay kung saan maaari pa itong mabubuo sa 1,200 hilerang tahanan.

Prayoridad sa nasabing proyekto ang mga residenteng nakatira sa mga delikadong lugar at ang mga maapektuhan ng proyektong itatayo na Navotas Coastal Dike.

“This project shall not only build homes for Navoteños but new lives as well and if helping other people is an epidemic, I hope that this will spread fast and affect all Navoteños,” ani Tiangco.

Kaugnay nito, makikipagtulungan din si Navotas lone district Cong. Tobi Tiangco sa lokal na pamahalaan, kung saan 50 bahay na rin ang naipatayo nito na pinondohan sa ilalim ng kanyang Priority Assistance Development Fund noong nakaraang taon, samantalang 100 naman nitong taon.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.