50 Pinoy na Nakulong sa Indonesia, Dumating na

ISANG MAAGANG Pamasko ang natanggap ng umaabot sa 50 mangi-ngisda na nakauwi na rin sa lungsod ng General Santos kahapon ng umaga matapos makulong sa Indonesia.

Ang mga mangingisda ay tinulungan ng lokal na pamahalaan ng lungsod para makabalik ng bansa makaraang mahuling iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Indonesia.

Aminado naman si Roberto Dapar, na dalawang taon at tatlong buwang nakulong, na walang rehistro ang kanilang pump boat at wala silang mga papeles kaya sila nahuli.

Kuwento pa ni Dapar, pinapakain naman sila subalit hirap ang pag-inom dahil sa maruming tubig na ibinibigay sa kanila.

Sa kabila nito, hindi pa rin sila magdadalawang-isip na bumalik ng Indonesia para mangisda pero sa legal na paraan na at magdadala na sila ng dokumento, ani Dapar.

Binigyan din ang mga nakabalik na mangingisda ng pinansyal na tulong.

Liban sa mga taga-GenSan, ang iba sa mga ito ay nagmula pa sa Davao Del Sur at Balot Island. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.