50 Kabataan, Nailigtas sa Hazing

NAILIGTAS NG mga kinauukulan ang nasa 50 high school students ng Mangaldan National High School sa lalawigan ng Pangasinan na naka-takda sanang sumailalim sa initiation rites sa San Fabian Beach upang maging kasapi ng Al Dha Bhezt Fraternity Group.

Napigilan umano ng prinsipal ng paaralan na si Mr. Rizalino Agpalo ang isasagawang hazing sa mga bagong recruit na miyembro matapos itong makatanggap ng tip sa isasagawang ritwal.

Sakay ng tatlong jeep ang mga biktima at patungo na sa bayan ng San Fabian.

Ayon sa salaysay ng ilang biktima inakala nilang clan ang sasalihang grupo at hindi fraternity.

Dahil sa nasabing insidente  sisiyasatin ng eskwelahan ang grupo na lumalabag umano dahil sa pagsasagawa ng blood compact sa mga miyembro at paniningil ng pera para sa kanilang membership fee.

Samantala, tiniyak ng pamunuan ng paaralan na patuloy na imo-monitor ang aktibidad ng grupo upang hindi na maulit ang naturang insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.