50 Flying Registrants, Buking sa Isang Bayan sa Ilocos Sur

NASA 52 ‘flying registrants” ang nadiskubre ng Commission on Elections sa Sta Catalina, Ilocos Sur.

Nabatid na ang pagkakadiskubre ng mga pekeng nagparehistrong botante ay matapos maberipika ng Sta. Catalina-Comelec na hindi mga tunay na residente ng nasabing bayan ang 52 nagpatala ng pangalan.

Lumitaw  sa imbes-tigasyon na pinalabas umanong nakatira ang mga ito sa Brgy.Pangada ng nasabing bayan na sinamahan pa umano sila ng kapitan sa pagpapatala.

Base sa record ng Comelec, nag-mula ang flying registrants sa mga bayan ng Sta. Cruz at Santa Lucia ng lalawigan.

Matatandaan na una nang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na kanyang paiimbestigahan ang biglang pagtaas ng bilang at pagdagsa ng mga botanteng nagparehistro noong Hulyo 22 hanggang Hulyo 31 na umabot sa mahigit isang milyon na posibleng resulta ng hakot system.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.