5 wanted, tiklo sa man-hunt

CAMP GEN. ALEJO Santos, Bulacan – Nadakip na ng mga operatiba ng PNP ang mga taong wanted sa batas sa iba’t ibang kaso mula sa limang mga bayan at siyudad sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rodolfo Boy Hernandez kay Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Johann Louise Ramos Y Dilag, 29,tubong-Calbayog, Samar, residente ng Brgy. Nagbalon, Marilao, sangkot sa 16 na kaso ng Qualified Theft; Lily Bagay Y Vizconde, 58, ng Brgy. Malipampang, sangkot sa kasong Estafa; Ernie Ariola Y Ochoa, 36, ng Brgy. San Pedro, San Jose del Monte City, sa kasong Theft; Teresita Tolentino, 46, tubong-Camiling, Tarlac, residente ng Brgy. Cana-late, Malolos City, sa kasong Qualified Theft; at Josephine Sayo Y Ramos, 41, ng Sitio Looban, Brgy. Tabang, Plaridel, sa kasong 7 counts na paglabag sa BP 22.

Nabatid kay P/SSupt. Mendez, na matagal na nilang tinatrabaho ang galaw ng mga nadakip na suspek,kung saan karamihan sa kanila ay palipat-lipat ng lugar, dahilan kung bakit hindi agad sila nadakip.

Aniya, sa mahigpit na kautusan ni P/Chief Supt. Ed Ladao na tugisin ang mga wanted sa batas, agad ding nadakip ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong ngayon sa kani-kanilang mga detention cell.  (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.