5 Unibersidad sa Bansa, Pasok sa Top 300 Asian Universities

 

PASOK ANG limang universidad mula sa Pilipinas sa listahan ng mga nangungunang pamantasan sa buong Asya, base sa pag-aaral ng education and career network Quacquarelli Symonds.

Nangunguna pa rin ang University of the Philippines (UP) sa iba pang unibersidad sa bansa sa listahan ng “Top 300 Universities in Asia,” kung saan pumalo ito sa ika-84 na puwesto.

Sumusunod naman dito ang Ateneo De Manila University (ADMU) na nasa ika-86.

Pasok naman sa ika-142 ang De La Salle University (DLSU). Pasok din sa ika-148 na puwesto ang University of Santo Tomas (UST) habang pang ika-251 ang University of Southern Philippines (USP) sa Davao.

Samantala, nanguna sa ranking ang Hong Kong University of Scence and Techonology, National University of Singapore at Universtiy of Hong Kong.

Ayon naman sa Commission on Higher Education (CHED), larawan ito ng bumubuting antas ng edukasyon sa bansa.

Gayunman, tataas pa sana ang antas ng mga pamatasan sa Pilipinas kung maayos lang umano ang faculty, quality of courses at ang employability ng mga estudyante.

Bagama’t nangunguna pa rin ang UP, ADMU, DLSU at UST sa bansa, bumaba ang ranggo ng apat na unibersidad kumpara sa standing nu’ng isang taon.

Ayon sa tagapagsalita ng UP, malaki ang epekto sa kanila ng kakulangan nila ng badyet sa unibersidad.

Nagkakaisa ang mga nasa akademya na mahalaga ang suporta ng gob-yerno sa pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.