5 Tumba Sa Kabute

 

ISINUGOD SA ospital ang limang katao matapos malason sa kinaing “ihi-ihi” na kabute sa Sitio Turil, Barangay Tingub sa lungsod ng Mandaue, Cebu.

Kinilala ang mga biktimang sina Leonedes Durano; ang live-in partner nito na si Marjie Basalo; ang kanilang dalawang taong gulang na anak; at ang dalawa ni-lang kapit-bahay na sina Junjun Basalo at Benji Montes.

Ayon sa imbestigasyon, ginawang hapunan ng mga biktima ang naturang kabute na i-binigay ng kapit-bahay.

Iniluto ito ni Marjie at matapos kainin ay nakaramdam na ang pamilya ng pagsusuka at pananakit ng tiyan.

Kaagad isinugod ang mga biktima sa ospital at natukoy rin ang sanhi ng pananakit ng kanilang tiyan.

Nakalabas na mula sa pagamutan ang tatlo sa mga biktima ngunit patuloy pang ginagamot ng mga doktor ang dalawa pa.                    (EC)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.