5 Tulak, Huli sa Buy-Bust sa Parking Lot ng Ospital

DAKIP ANG limang katao matapos makuhanan ng Shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa parking lot ng ospital sa Caloocan City Huwebes ng hapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Rohanie Magdara, 25; pinsan na si Muhaimen Magdara kapwa ng  Almoro St., Biñan, Laguna; Abu Mangundaya, 23, married; Ansari Tomandungl, 47; at Basit Madayan pawang ng Phase 12, Tala, Caloocan City.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang PDEA na nagbebenta ng Shabu ang mga suspek na naging dahilan upang magsagawa ng buy-bust operation alas-4 ng hapon sa parking lot ng Tala Memorial Hospital ng lungsod.

Nang iabot ng mga suspek ang 20 piraso ng sachet ng Shabu na aabot sa 100 gramo na may hala-gang P400,000 kapalit ng buy-bust money ay agad na pinaligiran ang mga suspek at hindi na nanlaban ng arestuhin.

Nakuha rin sa mga suspek ang gamit na Toyota Tamaraw FX at mga cellphone, at inaalam na kung saan nanggagaling ang mga Shabung binebenta ng mga una.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.