5 Tricycle at Motorsiklo, Inararo ng Bus; 1 patay, 14 sugatan

 

PATAY ANG isang ginang matapos araruhin ng bus ang mga tricycle na nakabuntot sa prusisyon ng libing sa national highway sa Barangay Sinsayon, Santiago City, Isabela.

Kinilala ni Supt. Victorino Valdez, hepe ng Police Station 2 ng Santiago City ang nasawi na si Imelda Ramos ng Soyung, Echague.

Nabatid na lulan ang biktima sa isa sa mga tricycle na inararo ng Dalin Liner bus.

Base sa pagsisiyasat, nag-overtake ang bus sa funeral march nang makasalubong nito ang isang RVT bus na biyaheng Maynila at nagkasagian ang dalawa.

Pinihit ng driver ng nasabing bus ang manibela pakanan kaya nasapul nito ang limang tricycle at isang motorsiklong nakabuntot sa

isang funeral march na nagresulta sa agarang kamatayan ni Ramos at nasugatan ang 14 iba pa.

Samantala, nakatakas naman ang driver ng Dalin bus matapos ang nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.